Friday, December 11, 2009

Preparing to Spend a Meaningful Christmas Alone and Away from Loved Ones

------------------------------------------------------------------------------------------------
PASKONG NAG-IISA

by Evangeline S. Alianan-Bautista, M.A.
PsychConsult, Inc.

Ang panahon ng kapaskuhan ay isa sa mga mahahalagang kapistahan, kundi man pinakamahalaga, para sa ating mga Pilipino. Ito ay kadalasan nating pinagdiriwang kasama ang ating mga mahal sa buhay, lalong lalo na ang ating pamilya. Maraming nagsasabi na ang Pasko sa Pilipinas ay katangi-tangi at walang kaparis saan man sa mundo. Kaya naman, para sa isang OFW, ang malayo sa pamilya sa panahon ng Pasko ay tunay na sanhi ng kalungkutan at lumbay.


Bagaman hindi natin maaasahang tuluyang mapawi ang nadaramang kalungkutan, mayroong mga bagay-bagay tayong maaaring gawin para maibsan ang nadaramang lumbay. Mahalagang magkaroon tayo ng mga magagandang bagay na maaring asahan sa mga araw na ito. Sabi nga, Find something to look forward to.

Una sa lahat, mainam na magkaroon ng plano kung paano makipag-uugnayan sa ating mahal sa buhay. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono o pagkonekta sa email o internet. Mabuting planuhin ito ng maaga lalo na kung may kahirapan ang mga paraan ng komunikasyon sa ating lugar, sa lugar ng mahal sa buhay sa Pilipinas o sa pinaglulunan ng OFW. Habang maaga ipa-alam sa mga mahal sa buhay kung paano nais silang maka-piling (telephono man o internet), kung anong araw at oras. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang sama ng loob o frustration na madarama kung tumawag man at wala ang nais makausap.

Maaari ring iparating ang ating pagmamahal sa pagpapadala ng regalo. Hindi naman kailangang marami o marangya ang ibigay, mahalaga lang na ipadama ang presensiya kahit na nasa malayo. Sa ngayon ay marami ng paraan para magawa ito. Maliban sa pakikisuyong magpadala ng pasalubong sa mga umuuwing kababayan, pwede na ring magpadala sa courier (gaya ng DHL, UBS o FEDEX). Mayroong ring mga sari-saring websites sa internet kung saan pwedeng pumili, bumili at magpa-deliver ng regalo saan man sa mundo.

Maliban sa pakikipag-ugnayan sa mga mahal sa buhay sa Pilipinas, mahalaga ring makahanap na ibang support system ang OFW sa lugar na kanyang ginagalawan. Kasama rito ang mga kaibigan, ka-trabaho, ibang mga Pilipinong OFW rin, mga grupo sa simbahan, o di kaya ay ibang mga kamag-anak, malapit man o malayo. Makipag-ugnayan sa kanila. Kung ang ating mga kaibigan ay magso-solo rin, maaaring gumawa ng plano kung paano sama-samang ipagdiriwang ng kapaskuhan. Halimbawa, maaaring gumawa ng salu-salo para sa mga OFW ng lugar. Huwag nang hintayin na maimbitahan, bagkus magkusa na at anyayahan ang ibang taong nakikita nating nangangailangan din ng kalinga at kasama. Sa bandang ito, ang kasabihang “the more, the merrier” ay naaayon.

Para naman sa mga taong hindi hiyang sa crowd o maramihang tao, subukang bigyan ang sarili ng treat at gumawa ng bagay na kakaiba sa mga araw ng Pasko. Marahil ay mayroong isang simpleng bagay na matagal nang pinagpapaliban, tulad ng panonood ng sine o kaya’y pagpunta sa beauty parlor. Kung mayroong panahon at pagkakataon, subukang mamasyal sa iba o bagong lugar. Ito ay maaaring tumukoy sa isang grandeng bakasyon sa malayu-layong lugar o dili kaya ay ilang oras na pagliliwaliw sa isang sulok na kinagigiliwan (tulad ng garden o park). Magbisikleta o kaya ay maglakad para tuklasin ang mga liblib ngunit interesanteng lugar sa loob ng bayang kinagagalawan. Ang traveling ay kadalasang nagpapalawak ng kaisipan at nagbibigay ng kakaibang pananaw sa buhay.

Para sa iba, ang pagsabak sa physical activity ay hindi lamang nakalilibang, kundi nakatutulong ding mabuhayan ang kalooban. Magsanay sa isang sport na matagal nang ninanais o gustong balikan. Magpraktis sumayaw o kaya ay kumanta.

Upang tunay na ipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, gumawa ng mabuting gawain (good deed) sa mga araw ng Pasko. Maski nag-iisa o nabibilang sa malaking grupo, napakaraming paraan para ipamahagi sa mga nakabababang miyembro ng lipunan ang biyaya ng Pasko. Halimbawa ay magpunta at magdulot saya sa isang bahay-ampunan o ospital. Pwede ring mag-volunteer sa mga NGO (Non-Government Organizations). Kung nabibilang sa isang grupo, maaaring hikayatin ang mga kasama na gumawa ng mas malaking proyekto. Tandaan ang kasabihan na, the joy of Christmas is in giving.

Yakapin at huwag ikabahala ang pag-iisa at pananahimik. Ang pag-iisa sa mga araw ng Pasko ay maaaring gamitin na pagkakataon para pagnilayan ang mga pangyayari sa ating buhay. Kadalasan, napakabilis ng takbo ng ating buhay kaya’t kay dali din nating malihis o mawala sa layunin o tunay na saysay ng ating buhay. Kung makatutulong, maaaring maghanap ng espesyal na lugar para mag-retreat. Ang pagiging malapit sa kalikasan ay kadalasang nakapagbibigay buhay. Ito ay refreshing at rejuvenating. Para naman sa iba, sapat na ang katahimikan ng sariling kuwarto para ilagay ang sarili sa retreat mood.

Sa pagkakataon ng pag-iisa, magandang balik-tanawin ang mga biyayang ating nakakamit. Sabi nga nila, count your blessings. Subukang isulat ang mga ito sa papel na maaari namang ipaskil sa isang prominenteng lugar na madali nating makita. Sa ganitong paraan, tayo ay mapapaalahanan sa mga magagandang bagay at biyaya na ating natatamo. Ang pagkakaroon ng mapagpasalamat na puso (a grateful heart) ay sadyang nainam na lunas sa kalungkutan at lumbay.

Huwag matakot na malungkot, ngunit huwag malunod dito.
Minsan kailangan lang natin tanggapin ang kalungkutan na bahagi ng buhay. Unawain na ang nadaramang lumbay ay makatutulong para lalo nating pahalagahan ang tunay na kaligayahan. Kung tayo ay nangungulila sa ating pamilya, ito ay sa kadahilanang tunay natin silang minamahal. Gayunpaman, maniwala na ang kalungkutan, gaano man kalalim, ay lilipas din. Hayaan ang sariling umiyak. Ngunit subukan ring maghanap ng taong maaaring makausap.

Ang kalungkutan ay tunay na di-kanais-nais, ngunit sa taong nakalampas dito, ito ay nagdudulot ng karunungan (wisdom) at tunay na pakikiramay (compassion), mga regalong naaangkop matanggap ngayong kapaskuhan.
-----------------

Submit your thoughts on preparing for Christmas by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------

Sunday, July 12, 2009

Kids of OFWs Growing up without Parents

---------------------------------------------------------------------------------------------
"Orphaned
"


By: Zsa Zsa Briones, PHd.
Clinical Psychologist
PsychConsult


By 9 o’clock in the morning, James* had kicked a classmate, refused to do his work, raised his voice at his teacher, then was asked to sit in a corner until he calmed down. Little did his teachers and classmates know that for breakfast, he had nothing to eat, except for a glass of milk because his older brother ate the last slice of ham while his younger sister Jema had 2 pieces. His kuya Jake screamed at him for waking up late. Hungry and annoyed, James scouted for something to eat in the refrigerator but their uncle forgot to buy loaf bread last night. “Haay!” James grumbled. The school bus honked loudly, sending the three children scrambling to lug their 5 pound roller bags out the door, just as their helper walked in from the market. James took the steps up after his sister then plopped down on the third row beside her on a worn out cushion. He wondered whether he could grab a bite at the school canteen. Just his luck, he forgot his allowance! He timidly asked his siblings for money but neither had any. He needed to contend with his corned beef and rice for lunch and biscuits for a snack. Dinner at home would probably be as meager as his meal for the day since his mother had not sent their monthly allowance yet. It had been coming late the past months because she got sick and missed several days of work. A tough morning for a 10 year old. James was irritable at school the rest of the day.

I saw James the next afternoon. His usually bright face was bowed down as he entered the room and whispered a “Hello,” as he dropped heavily on a plastic chair. “Tita,” as he preferred to call me, “alam mo, I miss nanay so much. I wish she will come home. Noong nandito siya, nagluluto siya ng masarap, di tulad ni Ate Neng.” I ached for James. He and his siblings were practically orphaned. Their helper, Neng, was young and hardly experienced in caring for children while they hardly saw their uncle Edwin who was recently assigned the night shift at a call center, nonetheless, he was kind and thoughtful to the children; Neng spent her free time on her cellphone after the food was cooked and the house was clean. “I wish tatay will get work soon,” James added. He was aware that his seafarer father was unemployed for several months, now doing menial jobs. His mother, an office clerk, sent most of her earnings to them.

“Naiinis ako, umalis pa kasi si nanay,” James quipped, his small eyes narrowing, “kung di sana siya umalis…” he trailed and looked out the window. The children spent the last 5 years cared for by Edwin, widowed at age 40. He agreed to take the children from his sister— their mother— Beth, since he did not have children of his own. He did not realize the responsibility that fell on his lap. He helped out financially but assigned the child caretaking to the helpers who came and went. When the children needed him, they waited up on certain nights until 10 p.m. so he could sign the parent reply slips needed for school. To his credit, he attended the parent-teacher conferences when he could.

“Iba talaga kapag nasa bahay ang nanay ‘no, Tita,” James’ voice quivered. I saw tears brimming in his eyes. “Sana nandito na siya ngayon para mag-alaga sa min.” He looked down at his intertwined fingers and fought back his tears. He cried. And cried. Like a baby. It was heartbreaking. So much longing for his parents. So much pain being separated from them. Between hiccups, he recalled what their family did two years ago when his parents arrived for the first time since they left. Happy memories seemed to sustain him and his sobs lessened. We spent the next sessions talking about his family. I saw the siblings together for sessions as well, and held parent conferences with his uncle.

“Tita, nagchat kami ni nanay sa webcam kagabi,” James reported to me three months later. “Dati di niya alam pa’no mag-chat.” He and his siblings seemed happier and became more helpful toward each other. Fortunately, their uncle Edwin consciously spent more time with them, mindful of getting home early to supervise the children’s projects and homework. He took them out on weekends when his schedule allowed. He even felt more bonded with them, thinking of them as his own.

James, his siblings, and many other children with OFW parents seem practically orphaned, not because of their parents’ demise, but because of the limited and sometimes inconsistent surrogate parental guidance, nurturance, and supervision from relatives (or non-relatives) with whom they are left.

However, having sparse sources of nurturance and affection leaves children wanting, searching for parental figures from whom they can receive basic emotional support.
Gratefully, some children live with guardians who sincerely care about them and look after them as if their own.

Unfortunately, some children are simply provided with food and shelter, but have to fend for themselves emotionally. They cry alone when they miss their parents; they seem less energetic in school, appear withdrawn among peers, or fail their subjects. In contrast, some children tend to externalize when their family structure changes— they become overly active or disruptive, get into fights, or become moody.

James, however, seemed better off than other children. He had actively reached out to his teachers, soaking in every bit of attention he could squeeze from them. He sought them during break time, talking amiably to at least one teacher. He had one parent figure at home but several teachers during the day. Going to school was the highlight of his week.

Truly, there can be no substitute for parents who are physically present to their children. In their absence, they entrust their children to family members who, hopefully, will provide them with a semblance of parental support. Some guardians, however, become thrust into a role that they awkwardly attempt to fulfill, realizing the demands of guardianship is actually a parental role. Often, they need support and coaching to handle the young ones entrusted to them. Thus, lucky the children whose guardians and significant people around them, like teachers and compassionate adults, seriously take on their role and become main sources of emotional support, nurturance, and love to children with OFW parents so they do not feel as “orphaned.”



Ms. Briones practices clinical psychology at PsychConsult, Inc., in Cubao, Quezon City . She conducts play therapy for children, psychological assessment, and individual therapy. She hopes children with OFW parents live with family members who truly care about their wellbeing.


(*Names and circumstances have been changed to protect identities.)

------------------


What do you think of this article? Click on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

-----------------

Thursday, April 23, 2009

Ang Papel ng Bawa't Isa sa Pamilya

---------------------------------------------------------------------------------------------
Family Roles
By: Regina Diaz Goon
Psychologist
OFWParaSaPamilya.com,
PsychConsult Inc.


Bawa’t pamilya ay may layunin, panaginip at pangangailangan. Sa pag-andar ng pamumuhay ng isang pamilya, ang mga miyembro ay gumaganap ng tinuturing na papel o tungkulin sa buhay parang matupad ang mga ito.
Itong papel o“family role” na ito ay resulta ng combinasyon ng personalidad ng bata, ang pinag-aasahan o expectations ng mga magulang at ang kasalukuyang kinasanayang ugali ng bawa’t miyembro.

Ang ilang mga halimbawa ng papel, tungkulin, o “family roles” ay:
1) Ang Bida (the hero),
2) ang Tagasalo (the caretaker),
3) ang Hantungan ng Sisi (Scapegoat),
4) ang Batang Hindikita (The lost child),
5) ang Komikero (the family clown or mascot).


Ang Bida (the hero) ay ang anak na siyang laging pinakamagaling sa pamilya. Siya yung batang nasa honor roll lagi o pwede rin star athelete. Siya ay maaring student leader, maraming sinasalihan sa school at maaring gustong-gusto rin siya ng kanyang mga guro. Sa maraming OFW families, ito ang anak na nasa kalagitnaan ng mga pangarap, ito ang anak na makakatapos ng pag-aaral at ito ang magiging sanhi ng pag-ahon ng kapalaran ng kanilang pamilya. Dahil sa ito ang pinag-aasahan, maaring lahat ng opportunidad na kaya ng mga magulang ay binibigay dito sa anak na ito, hindi masyadong binibigyan ng gawain sa bahay, ("parang makapag-aral o mag-practice") at pinapabayaan gumawa ng kung ano-anong gusto o kailangan niyang gawin.

Ang Tagasalo (the caretaker) ay ang anak na pinakapag-titiwalaan, ito ang iniiwanan mag-alaga sa mga mas-batang kapatid, ito ang anak na mapag-bigay, laging handang tumulong, ito ay ang anak na hindi ma-reklamo. Maaring ito ay ang panganay na anak, at pag nagtratrabaho ito bilang isang OFW, bukod sa pag-aalaga sa sariling pamilya, siya ang nagpapadala ng regular sa mga magulang, nagpapaaral ng mga kapatid, at maari ring nahihirapan siyang tumangi sa mga kaibigan na humihingi ng tulong. Ang Tagasalo ay naaasahan sapagka't alam ng kamaganak niya na gagawin niya ang kailangan gawin. Dahil hindi siya mareklamo at hindi mapagtawag ng pansin sa sarili, maaring makalimutan o hindi na mapansin ang kanyang mga ginagawa.

Ang Hantungan ng sisi (the scapegoat) ay ang anak na sutil, mareklamo, hindi masunurin. Maaring ito ang anak na sumasagot sa mga magulang at mahirap kausapin. Dahil sa mga pag-uugaling ito, siya ang nasisisi pag may mga nangyayaring hindi maganda. Sa maraming pamilyang may miyembrong tinuturing na “scapegoat”, maaring ito ang anak na laging may problema, laging nasasali sa gulo, makibarkada at gahasa (reckless) ang pag-uugali. Natawag itong miyembro ng pamilyang na "scapegoat" sapagka't kung may problema sa pamilya, siya ang nabibintangan, maari ring siya ang nagbibigay boses sa problema o dahil sa kanyang pag-kilos ang nagpapakita na may problema.

Ang Batang Hindi Kita (the invisible Child) ay ang anak na mahiyain, walang imik at hindi napapansin. Siya ay mahiyain at sa tahanan, malimit marinig ang boses. Dahil sa wala siyang ingay, madalas na nakakalimutan siya ng kanyang mag-anak. Gusto niya ito sapagka’t mas gusto niyang nag-iisa siya.

Ang Komiko (the clown or mascot) ay ang anak na nakakatuwa. Maaring ito ay ang bunso ng pamilya. Siya ay komikero, happy-go-lucky at magaan makasama. Siya ang nakakapagaan ng mga mabigat na situasyon ng pamilya at nakakapatawa sa mga magulang. Siya rin ang marunong tumancha ng damdamin ng mga magulang at dahil dito madaling nakakalimutan ng mga magulang ang galit o inis nila sa anak na ito. Katulad ng Bida, itong anak na ito ay mas-inaalagaan ng mga magulang, hindi dahil sa malaki ang kanilang inaasahan sa anak na ito, nguni't dahil magaan ang loob nila dito at maari ring delikado (fragile) ang dating sa kanila ng anak na ito.

Marahil, makikilala ninyo kung ano ang papel ninyo sa inyong pamilyang at makikilala rin ninyo kung sino ang bida o tagasalo o komiko etc. sa inyong mga kapatid. May iba sa inyo na maaring naka-ngiti pag nabasa ninyo ito, nguni't marami rin sa inyo ay maaring nakakaramdam ng kabigatan ng loob.

A metaphor for family roles is a mobile. When touched by a breeze, the items on the mobile shift postions. In most families, although there will be the one child who will be trusted to be the caregiver, or the one child who is considered the naughty one, etc., roles shift depending on the situation. This gives the tagasalo the chance to be the mascot, or the one babied once in a while. The scapegoat becomes the hero sometimes, and the invisible child may become the center of attention. However, in certain families, children get stuck with one role, when this happens, a certain way of acting and reacting becomes a permanent part of the child's personality.


Sa inyong sariling pamilya,
upang maiwasan ang kabigatan ng loob na maaring maging sanhi ng pagdikit ng papel o role, kailangang maintindihan ninyo ang papel na ginagampanan ng inyong mga anak. Hindi maiwasan ang pagkakaroon ng papel o tungkulin sa pamilya, nguni’t masmabuti kung mas lusaw (fluid) ang papel ng isang anak. Ang ibig sabihin nito ay kailangan pumapalit ang papel ng isang anak depende sa situasyon. Halimbawa, ang pagkakamali ng mag-kakapatid ay hindi dapat iugnay sa isa lamang na anak. Sa kabilang dako naman ang mga kagalingan ng isa’t-isa ay dapat purihin.

Other suggestions that may help :
1) Give each child the chance to feel important and accomplished,
2) Let each child experience being the center of attention but give him/her the space to dissapear for a little while when he/she needs to,
3) Praise each child's seriousness and determination but let him/her be silly and funny when he/she needs to be,
4) Encourage each child to do what is right but don't expect him/her to be perfect,
5) Allow each child to feel bad when he/she has done something wrong, don't make excuses for any of them,
6) Allow each child to acknowledge his/her mistakes and make amends for them.

Marami sa mga kilos nating adults ay maaring bakasin (trace) sa mga papel o tungkulin na kinasayanan natin noong bata pa tayo sa ating mga pamilya. Iba sa mga kilos na ito ay pasibo, iba naman ay mapusok (aggressive), sapagka’t sa paglalaban para sa attention ng ating mga magulang at ang pagpatunay ng ating lugar sa pamilya, tayo ay gumaganap ng pag-uugali na nagbibigay sa atin ng karamdamang tayo ay kakaiba at katangi-tangi.

So, now that we are the adults and the parents, it is important to give special attention to each child so that all develop their full personalities. Because it is only in developing all aspects of their personality, will they be able to meet life, it's predictable patterns, as well as it's suprises and challenges in a less rigid, more flexible, definitely healthier manner.

---------------

What do you think of this article? Click on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------

Tuesday, March 17, 2009

Maghanda Kung Mawalan ng Trabaho sa Krisis Pinansyal ng Mundo

---------------------------------------------------------------------------------------------
Dealing with Being Laid Off
By: Sharon Ann C. Co, M.A.
Psychologist
Psychconsult, Inc.

Balita ukol sa mga kompanyang na nagtatanggal ng mga empleyado ay laganap sa buong mundo. Kapag may lay off, kadalasang natatanggal muna sa trabaho ang mga overseas foreign workers kaysa sa mga local citizens ng bansa.

Traumatic kapag nawalan o natanggal sa trabaho. Hindi lang ito traumatic sa empleyadong natanggal, kundi sa kanyang buong pamilya. Importanteng maging bukas ang mga magulang sa kanilang mga anak kung sila man ay na-lay off. Nararamdaman ng mga bata kapag may tension o problema sa pamilya, kaya mas makakabuti kung ito ay mapaguusapan. Kailangan ng mga bata ng reassurance na ano man ang problema, aayusin ito ng kanilang mga magulang.

Ang mga na-lay off ay makakaranas ng gulat, galit, at pangamba. Ang iba ay nakakaranas din ng helplessness, yung pakiramdam na para bang nakatali ang kanilang mga kamay at wala silang magawa sa sitwasyon nila. Hindi naman sila natanggal sa trabaho dahil hindi sila naging maayos sa trabaho. Ang dahilan ng pagkawala ng kanilang trabaho ay dahil sa global recession, na hindi naman nila kontrolado. Ang pagkawala ng trabaho at ang katumbas nitong pinansyal na krisis ay nagdadala ng stress at nagiging mas vulnerable ang tao sa substance abuse (sobrang paginom ng alak o paggamit ng droga) at iba’t ibang klaseng sakit, katulad nang hypertension at cardiovascular illnesses.

Ito ang mga senyales na hindi na nakakayanan ang pag-cope sa stress:
-parating malungkot
-walang ganang kumain o sobra kung kumain
-hindi makatulog o sobra ang pagtulog
-walang gana gawin ang mga bagay na dati ay gustong-gusto niyang gawin
-madalas pagod at walang gana
-pakiramdam nila ay wala silang kwenta
-hindi makapagisip, makapag-concentrate, o makapagdesisyon
-nagiisip na gusto nang mamatay o gusto nang magpakamatay

Kumunsulta sa psychologist o counselor kung napapansin ninyo itong mga senyales sa inyong sarili. Para hindi humantong sa ganitong sitwasyon, ito ang ilang mga tips para sa mga na-lay off.

1. Communicate feelings.
Maging bukas sa asawa at mga anak ukol sa financial situation ng pamilya. Kung hindi ito ibabahagi sa kanila, ang mga bata ay maaaring mag-imagine ng mas malala pang sitwasyon. Importanteng mailabas ang mga nararamdaman upang mapawi ang galit o lungkot na nararamdaman. Kung hindi kayo komportable na pagusapan ang nararamdaman, you can express your feelings through other means, such as through writing a journal, doing artwork, playing musical instruments, and composing songs or poems.

2. Iwasan ang negative attitude.
Pagkatapos ilabas ang galit at kalungkutan, pakawalan na ito dahil hindi makakatulong sa iyo kung kakapit ka rito. Tanggapin ang pagkawala ng trabaho. Wala man ito sa iyong control, ngunit ang pwede mo namang kontrolin ay ang iyong attitude at behavior ukol sa nangyari. Tignan ang positive side ng sitwasyon. Halimbawa, pwedeng tignan ang pagkatanggal sa trabaho bilang isang opportunity para maghanap ng ibang trabahong kung saan mas mapapalaganap ang iyong pagkatao.

3. Make a plan.
Update your resume at maghanap ng ibang trabaho. Huwag i-limit ang sarili sa isang field lamang. Pwede ninyong subukan ang mag-apply sa ibang field which requires similar skills as your old job.

4. Adjust to living without it. Maintain a routine.
Habang wala pang nahahanap na trabaho, magkakaroon kayo ng maraming oras sa inyong mga kamay. Gumawa ng routine. Magisip ng mga produktibong activities na pwedeng gawin. Halimbawa, gamitin ang bakanteng oras para makasama, makipagusap, at maglaro sa mga anak. Pwede ring mag-volunteer sa community o simbahan. Pwede ring mag-aral ng skills (pagmamaneho, typing, computer skills, pagluluto, etc…) upang madagdagan ang kaalaman, dahil ito ay makakatulong sa paghahanap ng trabaho.

*****

Para sa mga OFWs na nagdesisyon nang bumalik sa Pilipinas, ito ang ilang mga tips para makapag-adjust financially sa pagkawala ng trabaho:


Financially:

1. Explore job opportunities available in the internet.
There are various business opportunities for OFWs, such as franchising, investing in land or condominiums, running a store in one of the many malls that have opened throughout the country, or one may apply in call centers or other companies.

2. Learn a new skill.
The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) offers various short-term training opportunities. TESDA is currently offering skills upgrading courses for free. Courses range from commercial cooking, welding, automotive repair, bartending, and dressmaking, to information technology and call center training. Students will also be given P60 transportation and food allowance daily. Learning a new skill or upgrading their skills may help increase the chances of being employed. One may also decide to set up a business from the skills learned abroad.

3. Job Fairs.
Keep an eye on job fairs which are often held in municipal halls or shopping malls.

4. Avail of the programs and services of the following institutions:
a. DOLE-NCR Office which supervices job fairs.

b. Bureau of Local Employment which offers an online assistance to help OFWs find local jobs.

c. Philippine Overseas Employment Administration which provides overseas re-employment assistance.

d. National Livelihood Support Fund for help regarding microfinancing.

e. Overseas Workers Welfare Administration which provides social services and family welfare assistance. Their reintegration program has economic and psycho-social components.
--The psycho-social components includes community organizing program, or organizing of OFW family circles and services like social counseling, family counseling, stress debriefing, and training on capacity building, value formation, etc.
--The economic component on the other hand, includes social preparation programs for livelihood projects or community-based income generating projects, skills training and credit facilitation and lending. At present, the economic component has two (2) loan programs: the OWWA-NLSF Livelihood Development Programs for OFWs (LDPO) and the OFW Groceria Project.

---------------

How would you deal with being laid-off from your job? Click on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------

Sunday, January 25, 2009

Love and the OFW

----------------------------------------------------------------------------------------------

Nagmamahal, OFW.
By Maria Andrea S. Tirazona
Associate Psychologist, PsychConsult, Inc.
Lecturer, De La Salle University, Manila

Hindi natin mapagkakaila na malungkot mawalay sa ating pamilya at mga minamahal. Bilang isang OFW, hindi lamang “culture shock”o pag-a-adjust sa bagong kultura ang kailangang harapin ngunit kalaban pa ang pakiramdam ng lungkot at pangungulila. Sa katunayan, maraming OFW ang nakakaranas ng mga sintomas ng depression, o kaya’t nagkakaroon ng kondisyon na ito, dahil sa dami ng pagbabagong pinagdadaanan nila. Buti nalang talagang malakas ang loob ng mga Pinoy at nahahanapan nila ng paraan para harapin ang mga pagsusubok na ito!

Isang mapanghahawakan ng mga Pinoy ang kanilang pagiging sociable o madaling makipagkaibigan. Bukod pa rito ang kakayanan ng mga Pilipino na makibagay sa mga taong nakakasalimuho niya. Kahit saan man macadam ang OFW, siguradong makakahanap siya ng kaibigan, kababayan man o hindi. Subalit, paminsan, itong pagiging palakaibigan ng mga Pinoy ay nagiging sanhi rin ng tinding lungkot, sakit at mas matinding pagsubok sa buhay.

Minsan kasi, dahil sa tindi ng pangungulila, hindi nila namamalayan na sila ay naghahanap ng magaaruga at kakalinga sa kanila. Dahil dito, may posibilidad na madaling mahulog ang loob doon sa isang taong nagpakita ng kagandahang loob at positibong atensyon sa kaniya, lalo ng sa mga single at medyo bata-batang OFW. Bukod dito, masasabing sa panahon ng maraming pagbabago na ito, ang isang tao ay nagiging higit na vulnerable o kaya’y tumitindi ang kanilang pagiging sensitibo at emosyonal. Ayon sa sikolohistang si Erik Erikson, ang mga young adult o ang mga taong bandang 20-35, ay humaharap sa developmental stage na tinatawag na Intimacy vs. Isolation. Sa bahaging ito ng buhay nila, higit na importante ang masagot ang tanong na “ako ba ay minamahal”?. Kung mapapansin natin, natataon dito sa mga edad na ito ang pagaasawa at pagsisimula ng pamilya. Ito ang nagiging pagtugon natin sa ating developmental needs sa buhay sa panahon na ito.

Bagama’t ang pagmamahal at paghahanap ng mamahalin ay isang normal na pangyayari sa lahat ng tao, ang pagwalay sa pamilya at pagalis sa ating tinatawag na “comfort zone” ay madalas nagpapatindi sa pangangailangang ito. Dahil dito, maaring lalong mapabilis ang paghulog ng loob ng isang tao sa iba habang naninirahan sa ibang bansa. Ayon sa mga social psychologists isang dahilan kung bakit tayo ay na-a-attract o napapaakit sa iba ay dahil sa tinatawag na proximity o propinquity. Dahil natutugunan nila ang pakiramdam ng pangungulila, tayo ay naaakit, o nabibighani. Bukod dito, sila ay malapit, madalas makasama at, ika nga sa Ingles, within your reach. Habang napapadalas ang pagkita ng dalawang tao, lumalaki ang posibilidad na magkahulugan ng loob ang mga ito. Subalit, minsan, masyadong mabilis mangyari ito, maging sa babae man o lalaking OFW. Ang problema dito, minsan hindi naman tunay na pagibig ang nabubuo, ngunit infatuation lamang. Ito ay marahil sa natutugunan lamang ng karelasyon ang pangangailangan ng pagkalinga at pakikisama.

Sa isang dako, isang dagdag na blessing ang makahanap ng mamahalin habang nanunungkulan bilang isang OFW sa ibang bansa. Bukod sa pagkakaroon ng kaagapay at karamay sa mga pinagdadaanan, sila ay maaring maging inspirasyon para mas lalong magsumikap para sa isang mas magandang kinabukasan. Higit pa rito ang kasiyahan na maibibigay ng partner na ito. Marami ang pinagpapala at nakakahanap ng asawa o partner sa buhay habang nasa ibang bansa, minsan foreigner pa ang napapangasawa.

Ngunit sa kabilang dako, habang maraming nakakaswerte sa pagibig, meron din mga nasasawi sa pagibig at ito ay maaring maging isang matinding pasakit sa nakakaranas nito. Oo, totoong sugal ang pagibig at walang garantiya dito, pero ang mga napapaibig ng masyadong mabilis ay mas mataas ang risk na hindi ito magtatagal. May mga pagkakataon na ang isang OFW ay mabilis mapaibig sa isang foreigner dahil sa kanilang taglay na karisma at kakayanang magbigay ng maraming magagandang bagay at oportunidad na hindi pa nila nararanasan dati. Lalo tuloy tumitindi ang kanilang pagiging kaakit-akit. Maari din na dahil sa pananabik sa mga bagay na pamilyar o kilala na, sa kapwa OFW mapaibig. Ika nga, “it takes one to know one“. Dahil pareho ang lenguahe, kaugalian, tradisyon at kultura, may mga kapwa OFW na nabubuo ang pag-ibig habang nagtratrabaho sa ibang bansa.

Subalit minsan, hindi nila alam ang tunay na pagkatao ng kanilang dinedeyt…minsan may lihim pala silang tinatago, gaya ng asawa. Hindi nila nalalaman hanggang huli na na sila pala ay nagiging kabit o mistress. May mga pagkakataon naman din na kahit nalalaman na may asawa’t mga anak na naiwan sa Pilipinas, dahil sa matinding kalungkutan, naiisip nalang na ipagpatuloy ang relasyon para mapawi ang nararamdaman.

Dagdag pa sa maaring maging sanhi ng pagkawasak ng isang pamilya ang pagkakaroon ng relationship, maging sa dayuhan o kappa OFW, hindi maipagkakaila na karugtong ng isang pagiibigan ang physical intimacy na karaniwang nauuwi sa isang sekswal na relasyon. Habang ito ay bahagi talaga ng isang relasyon, minsan dito nagsisimula ang mas malaking problemang pagdadaanan ng mga OFW, babae man o lalaki. May mga insidente na nabuntis ang isang OFW habang nasa abroad, tapos hindi ito napananagutan ng ama ng bata. Maari rin na dahil sa pangyayaring ito, hindi na masustentohan ng isang OFW ang pamilya na nasa Pilipinas. Tuloy, ang magandang oportunidad nung una ay nagkaroon ng konting bahid at nagbunga ng problema.

Paano ba maiiwasan ito? Siguro una, dapat maging mapagingat tayo. Iwasan natin ang masyadong mabilis na pagbuo ng mga relasyon. Kilalanin muna ng sapat ang mga potensyal na kasintahan at siguruhing pagmamahalan nga ang nararamdaman at hindi infatuation lang. Pangalawa, magiging mahalaga rin ang paghahanap ng mga pwedeng barkadahin habang nasa ibang bansa. Magplano kayo ng mga lakad o gimik para malibang at mabawasan ang lungkot. Pwede ring i-explore ang kapaligiran mo diyan. Pumunta ka sa mga pasyalan o tourist spots na malapit o kaya’y magsadya sa public library. Hindi ka lang malilibang, may matututunan ka pa. Sa kabuouan, siguro magtatapos ako sa paalala na i-enjoy niyo ng lubusan ang panahon na ito sa buhay mo, pero wag padalos-dalos sa pagdisisyon.
---------------

What do you think of "Love and the OFW"? Click on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------

Saturday, January 24, 2009

Preparing to Live the New Year Fully!

A New Year, a new chance to review and plan...whoever we are, whatever we do in life.
------------------------------------------------------------------------------------------------

New Preparations for the Year
Business Matters (Beyond the Bottom Line)
By Francis J. Kong
The Philippine Star, January 10, 2009

We’re into the second week of the New Year. It’s not too late to do some new preparations. After the long holiday breaks, it takes quite a while to recover.

I bet you most of the ministers and preachers in church talked about New Year Stuff last Sunday. Were you really paying attention? What about you and me?

I kept this material from an unknown source for years. It helped me through and now I want to share it with you. Well, I’ve divided our brand new year preparation into three parts. Three parts full of questions that would lead us to self-evaluation and self-preparation. So hold on to your seats as I go through the list real fast:

Part I: Review and learn from the past

1. What was my greatest blessing last year? What excited and stretched me? What am I most grateful for?

2. What was my greatest achievement? What accomplishment really paid off? What am I proudest of from last year?

3. What were my three most important mistakes? Where did I go wrong? Who did I offend? Where did I miscalculate? Most importantly, what can I learn from these experiences?

4. What lessons do I most want to take with me into this year? How have I grown last year? How am I wiser, more skilled, more mature, and more productive?

5. How would my spouse, my best friend and my mentor look at these things? What would they say about last year? How would they evaluate my successes, my mistakes and the things I’ve learned?

Part II: Preparing to advance

1. How will I enrich my life and my family this year? How can I make my relationships richer, more fun, more intimate and more loving?

2. What would I like to add, change or eliminate in my daily routine this year? What tolerations must go? What joys and ordinary pleasures will I add to my schedule, starting today?

3. What financial goals do I have for 2009? How many people would I like to serve? What services can I add, or should I cancel? How can I save more and invest better?

4. What will I do to maintain my health? What am I committed to for fitness, for vitality and wellness?

5. Intellectually, how will I improve this year? What will I read, what do I need to study, what skills do I need to master this year?

Part III: Dream big dreams!

1. Where am I going in the next two, five or 10 years? What will I achieve?

2. What are my major values and purposes for the next phase of my life? What brings me the most fulfillment and gratification? How can I use my greatest talents to benefit myself and thousands of others in the years ahead?

3. If I could do only one BIG project in my lifetime, what would it be? What is the most important thing for me to do or achieve or become in the next 10 years?

I’m sure many of you will have your own version of this list, but these questions help me focus my thoughts and form goals and projects that are meaningful. They give my wife and me some food for thought and topics for wonderful conversations! (And, yes, a few budget disagreements and “forceful” comments, too.)

The New Year is a gift from God meant for us to live to the full.

Choose wisely. Think long and hard. Seek the counsel of people who know and love you, and plan your future in precise detail. Then, go out and seize the day!
-------------------

What do you think of this topic? Do you have any other ideas on how to prepare and live the New Year fully? Simply click on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
------------------

Tuesday, September 23, 2008

Adjusting to Working in a Foreign Country

------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang Buhay ng OFW na Bagong Salta
by Arsenio Sze Alianan, Jr., PhD
Clinical Psychologist, Counselling Centre
National University of Singapore (2006 to present)

Ang karanasan ng bawat OFW sa bawat sulok ng mundo ay magkakaiba; mayroong mga nagtatrabaho sa barko, mayroong mga DH, may mga nars, at mayroon ding mga professional sa halos lahat ng klaseng trabaho. In almost every corner of the globe, Filipinos are almost always present. And even though the specific experiences of our kababayans working in different settings across the seven continents are as varied as the individuals themselves, there are common themes that many Filipinos who leave our beloved homeland (whether they are alone or they are accompanied by family and friends) experience. These common experiences can be classified under two categories, namely: cultural adjustment and a sense of isolation.

Sakop ng tinatawag na cultural adjustment ang paninibago sa banyagang kapaligiran, kaugalian at kultura. Kasali dito ang mga sumusunod:
- Ang paninibago sa pagkain, pananamit, at pang-araw-araw na gawain sa ibang bansa;
- Adjustment to weather conditions and climate changes;
- Ang pagbibilang ng halaga ng mga bilihin at kung magkano lang ang mga ito sa Pilipinas;
- Changes to one’s lifestyle and pace of life, including daily routines;
- Ang pagtitipid para makapagpadala ng mas malaki sa pamilya na naiwan sa inang bayan;
- Different (and usually better) public amenities and facilities available;
- Ang kakulangan ng pag-unawa sa pagitan ng OFW at ng mga kasamahang banyaga; at
- Ang kakaibang paraan ng pakikipagkaibigan at pakikihalubilo sa mga foreigners;

Ang isolation ay ang pagkalumbay na nararanasan ng marami, kahit na mayroong mga ibang kasamahang Pilipino sa kapaligiran. Kasali dito ang paghahanap ng mga bagay na nakasanayan sa inang bayan, gaya ng mga programa sa telebisyon, komiks, at pagkain. This sense of isolation is often observed through the following behaviors:
- Kalungkutan, pagkalumbay, pagtitiis sa mga hirap na dinaranas;
- Yearning for friends and loved ones back home;
- Mistulang nawawalang kumpiyansa sa sariling kakayahan;
- Insecurity over one’s abilities and being unsure of how one compares to foreign colleagues;
- Paghangad na makapag-salita sa sariling wika; at
- Kawalaan ng gana sa maraming bagay.

Cultural adjustment and feelings of isolation are probably necessary in the process of getting used to living in a new environment. The examples given above happen with many, if not all, of us who have to adapt to a new set of surroundings. Natural lang ito at hindi dapat ipangamba. Adjustment in a new country can usually take from a few weeks to about a year. For some it may be easier to adjust, for others it may take longer.

Although feeling sad in the course of adjusting to a new environment may not necessarily be detrimental to a person, there are also red flags that may indicate a need to seek professional help. These are often associated with the severity, pervasiveness and chronicity of one’s reactions. Kinakailangang kumonsulta sa isang doktor, sikolohista o counselor kung ikaw ay nakakaranas ng ilan sa mga sumusunod dala ng pangingibang bansa:
- Matinding kalungkutan at madalas na pag-iiyak;
- Hindi makatulog sa magdamag o sobrang tulog sa buong maghapon;
- Feeling giddy and anxious for no apparent reason;
- Feeling worthless and hopeless for most part of the days;
- Kawalan ng gana kumain o sobra-sobra sa pagkain;
- Becoming easily irritable and excitable;
- Losing energy to do anything and feeling listless;
- Lubang pangangamba o pag-aalala sa lahat ng bagay;
- Unexplained anxiety or extreme fears; and
- Pag-iisip ang kamatayan o kagustuhang mamatay (you need to see someone immediately if you start thinking of suicide).

Upang matulungan ang sarili na masanay sa bagong kapaligiran, kinakailangang alagaan muna ang sarili. Mahalaga ang pagkain at ang pahinga sa wastong panahon. Here are some other tips in making one’s adjustment easier:
- Magsulat ng liham o email sa mga kamag-anak at kaibigan;
- Reach out to other people around you;
- Sumali sa mga programa para sa mga kababayan, gaya ng pagkanta sa simbahan o pagvo-volunteer sa mga samahan;
- Do something you enjoy, such as, singing and taking a stroll in the park;
- Mag-aral ng panibagong gawain, gaya ng pananahi o pag-aaral ng ibang wika;
- Do regular physical exercise;
- Arrange a regular time that you can talk to loved ones back home; or
- Pagbisita sa magagandang tanawin.

_______
Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Stay in touch!

Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.
_______
 
Web Design by WebToGo Philippines