by: Herman L. Sanchez, M.D.
Psychiatrist
Mataas ang insidente ng kalungkutan sa pamilya ng mga OFWs.
Umaalis ang isang manggagawa, dala ang lakas ng loob upang maiangat ang buhay ng kanyang pamilya.
Malaki ang inaasahan. Mataas ang mithiin. Marami ang umaasa.
Ang Kalungkutan ay mabigat na karamdaman. Kapag nadapuan ang isang tao ng kalungkutan, kadalasan ay tinatanggap at tinitiis ito. Normal daw makadama ng lungkot. Bahagi ito sa pag-ikot ng gulong ng buhay. Sanay ang Pinoy sa hirap. Matiyaga. Matiisin. “Lilipas din yon”, ang sagot nila. Makakaraos.
Matinding hirap ang dinaranas ng taong nababalutan ng kalungkutan. Mahalaga na maintindihan na pwede itong maiwasan at maaaring malunasan.
Maraming pagbabago na kapansin-pansin sa taong may kalungkutan. Madalas ay naapektuhan ang kilos, trabaho at pakikitungo sa mga kasama. Dapat ay maging mulat tayo sa mga ito. Sa ibaba ang listahan ng mga kadalasan na natatagpuan sa taong may kalungkutan :
1. Una sa lahat ay ang pagiging matamlay.
2. Nababawasan ang gana at interes sa masasayang gawain
3. Mas pinipiling mag-isa
4. Nababawasan ang gana sa pagkain o lumalakas ang pagkain
5. Namamayat o bumibigat ang timbang
6. Nanghihina o laging pagod
7. Problema sa pagtulog
8. Maraming sumasakit sa katawan na di maintindihan
9. Nawawalan ng saysay ang buhay at nawawalan ng pag-asa
10. Nahihirapang mag-isip. Pumupurol ang isip. Di makapagisip ng mabuti
11. Pagiging negatibo. Naiisip magpakamatay o nagbabalak ng masama sa sarili
Malaking tulong ang pagiging mulat at tapat sa problemang ito. Ito ay personal at ang maagang paggamot nito ang kailangan.
Iniimbitahan naming kayo na magtanong o magsalaysay ng iyong sariling mga karanasan.
_______
Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Stay in touch!
Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.
_______
Tuesday, August 26, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)