Tuesday, March 17, 2009

Maghanda Kung Mawalan ng Trabaho sa Krisis Pinansyal ng Mundo

---------------------------------------------------------------------------------------------
Dealing with Being Laid Off
By: Sharon Ann C. Co, M.A.
Psychologist
Psychconsult, Inc.

Balita ukol sa mga kompanyang na nagtatanggal ng mga empleyado ay laganap sa buong mundo. Kapag may lay off, kadalasang natatanggal muna sa trabaho ang mga overseas foreign workers kaysa sa mga local citizens ng bansa.

Traumatic kapag nawalan o natanggal sa trabaho. Hindi lang ito traumatic sa empleyadong natanggal, kundi sa kanyang buong pamilya. Importanteng maging bukas ang mga magulang sa kanilang mga anak kung sila man ay na-lay off. Nararamdaman ng mga bata kapag may tension o problema sa pamilya, kaya mas makakabuti kung ito ay mapaguusapan. Kailangan ng mga bata ng reassurance na ano man ang problema, aayusin ito ng kanilang mga magulang.

Ang mga na-lay off ay makakaranas ng gulat, galit, at pangamba. Ang iba ay nakakaranas din ng helplessness, yung pakiramdam na para bang nakatali ang kanilang mga kamay at wala silang magawa sa sitwasyon nila. Hindi naman sila natanggal sa trabaho dahil hindi sila naging maayos sa trabaho. Ang dahilan ng pagkawala ng kanilang trabaho ay dahil sa global recession, na hindi naman nila kontrolado. Ang pagkawala ng trabaho at ang katumbas nitong pinansyal na krisis ay nagdadala ng stress at nagiging mas vulnerable ang tao sa substance abuse (sobrang paginom ng alak o paggamit ng droga) at iba’t ibang klaseng sakit, katulad nang hypertension at cardiovascular illnesses.

Ito ang mga senyales na hindi na nakakayanan ang pag-cope sa stress:
-parating malungkot
-walang ganang kumain o sobra kung kumain
-hindi makatulog o sobra ang pagtulog
-walang gana gawin ang mga bagay na dati ay gustong-gusto niyang gawin
-madalas pagod at walang gana
-pakiramdam nila ay wala silang kwenta
-hindi makapagisip, makapag-concentrate, o makapagdesisyon
-nagiisip na gusto nang mamatay o gusto nang magpakamatay

Kumunsulta sa psychologist o counselor kung napapansin ninyo itong mga senyales sa inyong sarili. Para hindi humantong sa ganitong sitwasyon, ito ang ilang mga tips para sa mga na-lay off.

1. Communicate feelings.
Maging bukas sa asawa at mga anak ukol sa financial situation ng pamilya. Kung hindi ito ibabahagi sa kanila, ang mga bata ay maaaring mag-imagine ng mas malala pang sitwasyon. Importanteng mailabas ang mga nararamdaman upang mapawi ang galit o lungkot na nararamdaman. Kung hindi kayo komportable na pagusapan ang nararamdaman, you can express your feelings through other means, such as through writing a journal, doing artwork, playing musical instruments, and composing songs or poems.

2. Iwasan ang negative attitude.
Pagkatapos ilabas ang galit at kalungkutan, pakawalan na ito dahil hindi makakatulong sa iyo kung kakapit ka rito. Tanggapin ang pagkawala ng trabaho. Wala man ito sa iyong control, ngunit ang pwede mo namang kontrolin ay ang iyong attitude at behavior ukol sa nangyari. Tignan ang positive side ng sitwasyon. Halimbawa, pwedeng tignan ang pagkatanggal sa trabaho bilang isang opportunity para maghanap ng ibang trabahong kung saan mas mapapalaganap ang iyong pagkatao.

3. Make a plan.
Update your resume at maghanap ng ibang trabaho. Huwag i-limit ang sarili sa isang field lamang. Pwede ninyong subukan ang mag-apply sa ibang field which requires similar skills as your old job.

4. Adjust to living without it. Maintain a routine.
Habang wala pang nahahanap na trabaho, magkakaroon kayo ng maraming oras sa inyong mga kamay. Gumawa ng routine. Magisip ng mga produktibong activities na pwedeng gawin. Halimbawa, gamitin ang bakanteng oras para makasama, makipagusap, at maglaro sa mga anak. Pwede ring mag-volunteer sa community o simbahan. Pwede ring mag-aral ng skills (pagmamaneho, typing, computer skills, pagluluto, etc…) upang madagdagan ang kaalaman, dahil ito ay makakatulong sa paghahanap ng trabaho.

*****

Para sa mga OFWs na nagdesisyon nang bumalik sa Pilipinas, ito ang ilang mga tips para makapag-adjust financially sa pagkawala ng trabaho:


Financially:

1. Explore job opportunities available in the internet.
There are various business opportunities for OFWs, such as franchising, investing in land or condominiums, running a store in one of the many malls that have opened throughout the country, or one may apply in call centers or other companies.

2. Learn a new skill.
The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) offers various short-term training opportunities. TESDA is currently offering skills upgrading courses for free. Courses range from commercial cooking, welding, automotive repair, bartending, and dressmaking, to information technology and call center training. Students will also be given P60 transportation and food allowance daily. Learning a new skill or upgrading their skills may help increase the chances of being employed. One may also decide to set up a business from the skills learned abroad.

3. Job Fairs.
Keep an eye on job fairs which are often held in municipal halls or shopping malls.

4. Avail of the programs and services of the following institutions:
a. DOLE-NCR Office which supervices job fairs.

b. Bureau of Local Employment which offers an online assistance to help OFWs find local jobs.

c. Philippine Overseas Employment Administration which provides overseas re-employment assistance.

d. National Livelihood Support Fund for help regarding microfinancing.

e. Overseas Workers Welfare Administration which provides social services and family welfare assistance. Their reintegration program has economic and psycho-social components.
--The psycho-social components includes community organizing program, or organizing of OFW family circles and services like social counseling, family counseling, stress debriefing, and training on capacity building, value formation, etc.
--The economic component on the other hand, includes social preparation programs for livelihood projects or community-based income generating projects, skills training and credit facilitation and lending. At present, the economic component has two (2) loan programs: the OWWA-NLSF Livelihood Development Programs for OFWs (LDPO) and the OFW Groceria Project.

---------------

How would you deal with being laid-off from your job? Click on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------
 
Web Design by WebToGo Philippines