Thursday, April 23, 2009

Ang Papel ng Bawa't Isa sa Pamilya

---------------------------------------------------------------------------------------------
Family Roles
By: Regina Diaz Goon
Psychologist
OFWParaSaPamilya.com,
PsychConsult Inc.


Bawa’t pamilya ay may layunin, panaginip at pangangailangan. Sa pag-andar ng pamumuhay ng isang pamilya, ang mga miyembro ay gumaganap ng tinuturing na papel o tungkulin sa buhay parang matupad ang mga ito.
Itong papel o“family role” na ito ay resulta ng combinasyon ng personalidad ng bata, ang pinag-aasahan o expectations ng mga magulang at ang kasalukuyang kinasanayang ugali ng bawa’t miyembro.

Ang ilang mga halimbawa ng papel, tungkulin, o “family roles” ay:
1) Ang Bida (the hero),
2) ang Tagasalo (the caretaker),
3) ang Hantungan ng Sisi (Scapegoat),
4) ang Batang Hindikita (The lost child),
5) ang Komikero (the family clown or mascot).


Ang Bida (the hero) ay ang anak na siyang laging pinakamagaling sa pamilya. Siya yung batang nasa honor roll lagi o pwede rin star athelete. Siya ay maaring student leader, maraming sinasalihan sa school at maaring gustong-gusto rin siya ng kanyang mga guro. Sa maraming OFW families, ito ang anak na nasa kalagitnaan ng mga pangarap, ito ang anak na makakatapos ng pag-aaral at ito ang magiging sanhi ng pag-ahon ng kapalaran ng kanilang pamilya. Dahil sa ito ang pinag-aasahan, maaring lahat ng opportunidad na kaya ng mga magulang ay binibigay dito sa anak na ito, hindi masyadong binibigyan ng gawain sa bahay, ("parang makapag-aral o mag-practice") at pinapabayaan gumawa ng kung ano-anong gusto o kailangan niyang gawin.

Ang Tagasalo (the caretaker) ay ang anak na pinakapag-titiwalaan, ito ang iniiwanan mag-alaga sa mga mas-batang kapatid, ito ang anak na mapag-bigay, laging handang tumulong, ito ay ang anak na hindi ma-reklamo. Maaring ito ay ang panganay na anak, at pag nagtratrabaho ito bilang isang OFW, bukod sa pag-aalaga sa sariling pamilya, siya ang nagpapadala ng regular sa mga magulang, nagpapaaral ng mga kapatid, at maari ring nahihirapan siyang tumangi sa mga kaibigan na humihingi ng tulong. Ang Tagasalo ay naaasahan sapagka't alam ng kamaganak niya na gagawin niya ang kailangan gawin. Dahil hindi siya mareklamo at hindi mapagtawag ng pansin sa sarili, maaring makalimutan o hindi na mapansin ang kanyang mga ginagawa.

Ang Hantungan ng sisi (the scapegoat) ay ang anak na sutil, mareklamo, hindi masunurin. Maaring ito ang anak na sumasagot sa mga magulang at mahirap kausapin. Dahil sa mga pag-uugaling ito, siya ang nasisisi pag may mga nangyayaring hindi maganda. Sa maraming pamilyang may miyembrong tinuturing na “scapegoat”, maaring ito ang anak na laging may problema, laging nasasali sa gulo, makibarkada at gahasa (reckless) ang pag-uugali. Natawag itong miyembro ng pamilyang na "scapegoat" sapagka't kung may problema sa pamilya, siya ang nabibintangan, maari ring siya ang nagbibigay boses sa problema o dahil sa kanyang pag-kilos ang nagpapakita na may problema.

Ang Batang Hindi Kita (the invisible Child) ay ang anak na mahiyain, walang imik at hindi napapansin. Siya ay mahiyain at sa tahanan, malimit marinig ang boses. Dahil sa wala siyang ingay, madalas na nakakalimutan siya ng kanyang mag-anak. Gusto niya ito sapagka’t mas gusto niyang nag-iisa siya.

Ang Komiko (the clown or mascot) ay ang anak na nakakatuwa. Maaring ito ay ang bunso ng pamilya. Siya ay komikero, happy-go-lucky at magaan makasama. Siya ang nakakapagaan ng mga mabigat na situasyon ng pamilya at nakakapatawa sa mga magulang. Siya rin ang marunong tumancha ng damdamin ng mga magulang at dahil dito madaling nakakalimutan ng mga magulang ang galit o inis nila sa anak na ito. Katulad ng Bida, itong anak na ito ay mas-inaalagaan ng mga magulang, hindi dahil sa malaki ang kanilang inaasahan sa anak na ito, nguni't dahil magaan ang loob nila dito at maari ring delikado (fragile) ang dating sa kanila ng anak na ito.

Marahil, makikilala ninyo kung ano ang papel ninyo sa inyong pamilyang at makikilala rin ninyo kung sino ang bida o tagasalo o komiko etc. sa inyong mga kapatid. May iba sa inyo na maaring naka-ngiti pag nabasa ninyo ito, nguni't marami rin sa inyo ay maaring nakakaramdam ng kabigatan ng loob.

A metaphor for family roles is a mobile. When touched by a breeze, the items on the mobile shift postions. In most families, although there will be the one child who will be trusted to be the caregiver, or the one child who is considered the naughty one, etc., roles shift depending on the situation. This gives the tagasalo the chance to be the mascot, or the one babied once in a while. The scapegoat becomes the hero sometimes, and the invisible child may become the center of attention. However, in certain families, children get stuck with one role, when this happens, a certain way of acting and reacting becomes a permanent part of the child's personality.


Sa inyong sariling pamilya,
upang maiwasan ang kabigatan ng loob na maaring maging sanhi ng pagdikit ng papel o role, kailangang maintindihan ninyo ang papel na ginagampanan ng inyong mga anak. Hindi maiwasan ang pagkakaroon ng papel o tungkulin sa pamilya, nguni’t masmabuti kung mas lusaw (fluid) ang papel ng isang anak. Ang ibig sabihin nito ay kailangan pumapalit ang papel ng isang anak depende sa situasyon. Halimbawa, ang pagkakamali ng mag-kakapatid ay hindi dapat iugnay sa isa lamang na anak. Sa kabilang dako naman ang mga kagalingan ng isa’t-isa ay dapat purihin.

Other suggestions that may help :
1) Give each child the chance to feel important and accomplished,
2) Let each child experience being the center of attention but give him/her the space to dissapear for a little while when he/she needs to,
3) Praise each child's seriousness and determination but let him/her be silly and funny when he/she needs to be,
4) Encourage each child to do what is right but don't expect him/her to be perfect,
5) Allow each child to feel bad when he/she has done something wrong, don't make excuses for any of them,
6) Allow each child to acknowledge his/her mistakes and make amends for them.

Marami sa mga kilos nating adults ay maaring bakasin (trace) sa mga papel o tungkulin na kinasayanan natin noong bata pa tayo sa ating mga pamilya. Iba sa mga kilos na ito ay pasibo, iba naman ay mapusok (aggressive), sapagka’t sa paglalaban para sa attention ng ating mga magulang at ang pagpatunay ng ating lugar sa pamilya, tayo ay gumaganap ng pag-uugali na nagbibigay sa atin ng karamdamang tayo ay kakaiba at katangi-tangi.

So, now that we are the adults and the parents, it is important to give special attention to each child so that all develop their full personalities. Because it is only in developing all aspects of their personality, will they be able to meet life, it's predictable patterns, as well as it's suprises and challenges in a less rigid, more flexible, definitely healthier manner.

---------------

What do you think of this article? Click on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------
 
Web Design by WebToGo Philippines