------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang Buhay ng OFW na Bagong Salta
by Arsenio Sze Alianan, Jr., PhD
Clinical Psychologist, Counselling Centre
National University of Singapore (2006 to present)
Ang karanasan ng bawat OFW sa bawat sulok ng mundo ay magkakaiba; mayroong mga nagtatrabaho sa barko, mayroong mga DH, may mga nars, at mayroon ding mga professional sa halos lahat ng klaseng trabaho. In almost every corner of the globe, Filipinos are almost always present. And even though the specific experiences of our kababayans working in different settings across the seven continents are as varied as the individuals themselves, there are common themes that many Filipinos who leave our beloved homeland (whether they are alone or they are accompanied by family and friends) experience. These common experiences can be classified under two categories, namely: cultural adjustment and a sense of isolation.
Sakop ng tinatawag na cultural adjustment ang paninibago sa banyagang kapaligiran, kaugalian at kultura. Kasali dito ang mga sumusunod:
- Ang paninibago sa pagkain, pananamit, at pang-araw-araw na gawain sa ibang bansa;
- Adjustment to weather conditions and climate changes;
- Ang pagbibilang ng halaga ng mga bilihin at kung magkano lang ang mga ito sa Pilipinas;
- Changes to one’s lifestyle and pace of life, including daily routines;
- Ang pagtitipid para makapagpadala ng mas malaki sa pamilya na naiwan sa inang bayan;
- Different (and usually better) public amenities and facilities available;
- Ang kakulangan ng pag-unawa sa pagitan ng OFW at ng mga kasamahang banyaga; at
- Ang kakaibang paraan ng pakikipagkaibigan at pakikihalubilo sa mga foreigners;
Ang isolation ay ang pagkalumbay na nararanasan ng marami, kahit na mayroong mga ibang kasamahang Pilipino sa kapaligiran. Kasali dito ang paghahanap ng mga bagay na nakasanayan sa inang bayan, gaya ng mga programa sa telebisyon, komiks, at pagkain. This sense of isolation is often observed through the following behaviors:
- Kalungkutan, pagkalumbay, pagtitiis sa mga hirap na dinaranas;
- Yearning for friends and loved ones back home;
- Mistulang nawawalang kumpiyansa sa sariling kakayahan;
- Insecurity over one’s abilities and being unsure of how one compares to foreign colleagues;
- Paghangad na makapag-salita sa sariling wika; at
- Kawalaan ng gana sa maraming bagay.
Cultural adjustment and feelings of isolation are probably necessary in the process of getting used to living in a new environment. The examples given above happen with many, if not all, of us who have to adapt to a new set of surroundings. Natural lang ito at hindi dapat ipangamba. Adjustment in a new country can usually take from a few weeks to about a year. For some it may be easier to adjust, for others it may take longer.
Although feeling sad in the course of adjusting to a new environment may not necessarily be detrimental to a person, there are also red flags that may indicate a need to seek professional help. These are often associated with the severity, pervasiveness and chronicity of one’s reactions. Kinakailangang kumonsulta sa isang doktor, sikolohista o counselor kung ikaw ay nakakaranas ng ilan sa mga sumusunod dala ng pangingibang bansa:
- Matinding kalungkutan at madalas na pag-iiyak;
- Hindi makatulog sa magdamag o sobrang tulog sa buong maghapon;
- Feeling giddy and anxious for no apparent reason;
- Feeling worthless and hopeless for most part of the days;
- Kawalan ng gana kumain o sobra-sobra sa pagkain;
- Becoming easily irritable and excitable;
- Losing energy to do anything and feeling listless;
- Lubang pangangamba o pag-aalala sa lahat ng bagay;
- Unexplained anxiety or extreme fears; and
- Pag-iisip ang kamatayan o kagustuhang mamatay (you need to see someone immediately if you start thinking of suicide).
Upang matulungan ang sarili na masanay sa bagong kapaligiran, kinakailangang alagaan muna ang sarili. Mahalaga ang pagkain at ang pahinga sa wastong panahon. Here are some other tips in making one’s adjustment easier:
- Magsulat ng liham o email sa mga kamag-anak at kaibigan;
- Reach out to other people around you;
- Sumali sa mga programa para sa mga kababayan, gaya ng pagkanta sa simbahan o pagvo-volunteer sa mga samahan;
- Do something you enjoy, such as, singing and taking a stroll in the park;
- Mag-aral ng panibagong gawain, gaya ng pananahi o pag-aaral ng ibang wika;
- Do regular physical exercise;
- Arrange a regular time that you can talk to loved ones back home; or
- Pagbisita sa magagandang tanawin.
_______
Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Stay in touch!
Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.
_______
Tuesday, September 23, 2008
Tuesday, August 26, 2008
Kalungkutan (Loneliness)
by: Herman L. Sanchez, M.D.
Psychiatrist
Mataas ang insidente ng kalungkutan sa pamilya ng mga OFWs.
Umaalis ang isang manggagawa, dala ang lakas ng loob upang maiangat ang buhay ng kanyang pamilya.
Malaki ang inaasahan. Mataas ang mithiin. Marami ang umaasa.
Ang Kalungkutan ay mabigat na karamdaman. Kapag nadapuan ang isang tao ng kalungkutan, kadalasan ay tinatanggap at tinitiis ito. Normal daw makadama ng lungkot. Bahagi ito sa pag-ikot ng gulong ng buhay. Sanay ang Pinoy sa hirap. Matiyaga. Matiisin. “Lilipas din yon”, ang sagot nila. Makakaraos.
Matinding hirap ang dinaranas ng taong nababalutan ng kalungkutan. Mahalaga na maintindihan na pwede itong maiwasan at maaaring malunasan.
Maraming pagbabago na kapansin-pansin sa taong may kalungkutan. Madalas ay naapektuhan ang kilos, trabaho at pakikitungo sa mga kasama. Dapat ay maging mulat tayo sa mga ito. Sa ibaba ang listahan ng mga kadalasan na natatagpuan sa taong may kalungkutan :
1. Una sa lahat ay ang pagiging matamlay.
2. Nababawasan ang gana at interes sa masasayang gawain
3. Mas pinipiling mag-isa
4. Nababawasan ang gana sa pagkain o lumalakas ang pagkain
5. Namamayat o bumibigat ang timbang
6. Nanghihina o laging pagod
7. Problema sa pagtulog
8. Maraming sumasakit sa katawan na di maintindihan
9. Nawawalan ng saysay ang buhay at nawawalan ng pag-asa
10. Nahihirapang mag-isip. Pumupurol ang isip. Di makapagisip ng mabuti
11. Pagiging negatibo. Naiisip magpakamatay o nagbabalak ng masama sa sarili
Malaking tulong ang pagiging mulat at tapat sa problemang ito. Ito ay personal at ang maagang paggamot nito ang kailangan.
Iniimbitahan naming kayo na magtanong o magsalaysay ng iyong sariling mga karanasan.

Wednesday, June 11, 2008
Depressed Ka Ba?
Siguro marami sa inyo ay nakaranas na ng lungkot at pagkabalisa. Ngunit paano ninyo malalaman kung kayo o kaibigan ninyo ay “depressed” na nga? Ito ang mga palatandaan na pwede ninyong hanapin:
- Labis na pagkalungkot, madaling magalit
- Nawawalan ng interest o kaligayahan sa mga karaniwang gawain o kinagigiliwan na libangan
- Laging pagod, walang energy
- Nagbabago ang gana sa pagkain
- Nagbabago ang oras ng pagtulog, hindi nakakatulog o sobrang matulog
- Hindi makapag-concentrate at hindi makapag pasya
- Nakakaramdam na siya ay makasalanan, walang halaga at walang pag-asa
- Naiisip ang tungkol sa kamatayan o ang pagpapakamatay
Kung mayroon kayong nararamdaman ng ilan sa mga palatandaan na ito, makipagusap kayo sa inyong doktor parang alamin kung depressed nga kayo, at kung ano ang dapat gawin.
Anong Say Mo?
- Agree ba kayo sa tatlong sanhi ng depression at anxiety na nadarama ng mga OFW?
- Mayroon pa bang ibang dahilan na nakaka-contribute sa pangangamba ng isang OFW?
- What do you find helpful to you when you’re feeling stressed out or sad?
- Anong payo (advice) ninyo sa ibang OFW when they feel stressed out or very sad and homesick?
Register and submit your stories to us
_______
Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Stay in touch!
Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.
_______
Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Stay in touch!
Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.
_______
Subscribe to:
Posts (Atom)