------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang Buhay ng OFW na Bagong Salta
by Arsenio Sze Alianan, Jr., PhD
Clinical Psychologist, Counselling Centre
National University of Singapore (2006 to present)
Ang karanasan ng bawat OFW sa bawat sulok ng mundo ay magkakaiba; mayroong mga nagtatrabaho sa barko, mayroong mga DH, may mga nars, at mayroon ding mga professional sa halos lahat ng klaseng trabaho. In almost every corner of the globe, Filipinos are almost always present. And even though the specific experiences of our kababayans working in different settings across the seven continents are as varied as the individuals themselves, there are common themes that many Filipinos who leave our beloved homeland (whether they are alone or they are accompanied by family and friends) experience. These common experiences can be classified under two categories, namely: cultural adjustment and a sense of isolation.
Sakop ng tinatawag na cultural adjustment ang paninibago sa banyagang kapaligiran, kaugalian at kultura. Kasali dito ang mga sumusunod:
- Ang paninibago sa pagkain, pananamit, at pang-araw-araw na gawain sa ibang bansa;
- Adjustment to weather conditions and climate changes;
- Ang pagbibilang ng halaga ng mga bilihin at kung magkano lang ang mga ito sa Pilipinas;
- Changes to one’s lifestyle and pace of life, including daily routines;
- Ang pagtitipid para makapagpadala ng mas malaki sa pamilya na naiwan sa inang bayan;
- Different (and usually better) public amenities and facilities available;
- Ang kakulangan ng pag-unawa sa pagitan ng OFW at ng mga kasamahang banyaga; at
- Ang kakaibang paraan ng pakikipagkaibigan at pakikihalubilo sa mga foreigners;
Ang isolation ay ang pagkalumbay na nararanasan ng marami, kahit na mayroong mga ibang kasamahang Pilipino sa kapaligiran. Kasali dito ang paghahanap ng mga bagay na nakasanayan sa inang bayan, gaya ng mga programa sa telebisyon, komiks, at pagkain. This sense of isolation is often observed through the following behaviors:
- Kalungkutan, pagkalumbay, pagtitiis sa mga hirap na dinaranas;
- Yearning for friends and loved ones back home;
- Mistulang nawawalang kumpiyansa sa sariling kakayahan;
- Insecurity over one’s abilities and being unsure of how one compares to foreign colleagues;
- Paghangad na makapag-salita sa sariling wika; at
- Kawalaan ng gana sa maraming bagay.
Cultural adjustment and feelings of isolation are probably necessary in the process of getting used to living in a new environment. The examples given above happen with many, if not all, of us who have to adapt to a new set of surroundings. Natural lang ito at hindi dapat ipangamba. Adjustment in a new country can usually take from a few weeks to about a year. For some it may be easier to adjust, for others it may take longer.
Although feeling sad in the course of adjusting to a new environment may not necessarily be detrimental to a person, there are also red flags that may indicate a need to seek professional help. These are often associated with the severity, pervasiveness and chronicity of one’s reactions. Kinakailangang kumonsulta sa isang doktor, sikolohista o counselor kung ikaw ay nakakaranas ng ilan sa mga sumusunod dala ng pangingibang bansa:
- Matinding kalungkutan at madalas na pag-iiyak;
- Hindi makatulog sa magdamag o sobrang tulog sa buong maghapon;
- Feeling giddy and anxious for no apparent reason;
- Feeling worthless and hopeless for most part of the days;
- Kawalan ng gana kumain o sobra-sobra sa pagkain;
- Becoming easily irritable and excitable;
- Losing energy to do anything and feeling listless;
- Lubang pangangamba o pag-aalala sa lahat ng bagay;
- Unexplained anxiety or extreme fears; and
- Pag-iisip ang kamatayan o kagustuhang mamatay (you need to see someone immediately if you start thinking of suicide).
Upang matulungan ang sarili na masanay sa bagong kapaligiran, kinakailangang alagaan muna ang sarili. Mahalaga ang pagkain at ang pahinga sa wastong panahon. Here are some other tips in making one’s adjustment easier:
- Magsulat ng liham o email sa mga kamag-anak at kaibigan;
- Reach out to other people around you;
- Sumali sa mga programa para sa mga kababayan, gaya ng pagkanta sa simbahan o pagvo-volunteer sa mga samahan;
- Do something you enjoy, such as, singing and taking a stroll in the park;
- Mag-aral ng panibagong gawain, gaya ng pananahi o pag-aaral ng ibang wika;
- Do regular physical exercise;
- Arrange a regular time that you can talk to loved ones back home; or
- Pagbisita sa magagandang tanawin.
_______
Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Stay in touch!
Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.
_______
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
Very helpful ang mga Agap Kamay articles ninyo. Salamat! My question is this, My family will be joining me soon. Excited kaming lahat, nguni't malaki rin ang pagamba. What can we do to prepare the children for this move. After all they are leaving their friends, grandparents and other people they know and love.
Mario, here's the reply from Dr. Alianan:
----------------
Maraming salamat sa tanong mo, Mario. It is good to know that you find our articles helpful. Getting one's spouse and children to join you overseas is indeed a much anticipated event! Talagang exciting ito! Pero tama ka na hindi maiiwasan ang katotohanang pag-lipat sa ibang bansa ay lubhang nakapapanibago. Adjustment is unavoidable.
The amount of adjustment is dependent on various factors, and some of these factors are as follows:
1) the age of your children, generally the younger the children are, the easier it is for them to adjust;
2) kung gaano sila ka-lapit sa mga naiwan sa Pilipinas, mas malulungkot siyempre ang mga batang malapit sa mga naiwang kamag-anak at kaibigan;
3) language also plays a part in their adjustment to the new environment, if your children are able to understand the other children and adults with whom they will come in contact;
4) kung gaano kalaki ang pagkakaiba ng buhay nila sa pinanggalingan sa Pilipinas at sa bagong bansa at lugar na titirhan; at
5) kung gaano na katagal nahiwalay ang buong mag-anak, mas mahirap ang adjustment kung hindi na masyadong nakikilala ng mga bata ang magulang na unang nangibang-bansa.
Here are some important tips you can do to help your children adjust to their new environment:
1) as soon as they arrive, establish a regular and predictable daily and weekly routine that includes what is expected of them and when they can have fun and play;
2) magkaroon ng takdang oras kung kailan sila maaaring makipag-ugnayan sa kanilang mga naiwang kamag-anak at kaibigan sa Pilipinas (maaari itong gawin sa internet chat o kaya sa telepono);
3) for older children, giving them clear expectations and rules may be helpful; this may include chores they need to do in and around the house;
4) para sa mga tineydyer naman, kilangan makipag-usap ng masinsinan kung ano ba ang nakasanayan sa Pilipinas at kung papaano ito maisasama sa pamumuhay sa ibang bansa;
5) open communication lines within family members so that you get a sense of how each one is feeling and cater to individual needs as necessary.
I hope you find some of these tips helpful to you and your family. This question really warrants more explanation, but this should suffice for now. Do watch out for future articles on this topic.
Arsenio Sze Alianan, PhD
Clinical Psychologist
Counselling Centre, National University of Singapore
Dr. Alianan's comments are very helpful. From my own experience, I would like to suggest to start doing all that even before the family leaves the Philippines, and make it part of their pre-departure preparations.
Send them pictures of the house where they will be staying, the school that they will be attending, the church that you will be worshiping in, the mall and supermarket that you will be shopping in, and maybe some of your friends or neighbors in the new country. In this way, they can start to form mental pictures of their lives there and how the day will be, and when they can reconnect with those "back home".
For the older children, and in conversations with the younger ones, instill in them a sense of adventure and wonder at being able to explore this big and exciting world, and to know different countries and cultures. At the same time, assure them that things will be alright since the entire family will be together, and that you will look out for them. Tell them that the world is getting smaller, and the opportunity and blessing to live abroad while they are young, will be of big benefit to them in their lives.
Ask them what questions or fears they might have, so you can answer it as much as you can before they leave the Philippines. And don't forget to do all the above too with your asawa!
Good luck to you, Mario, and your family, and to all the Pinoys whose families are now with them, or about to join them, abroad.
Thank you for your very helpful suggestions,on preparing families to transition to their new homes, global'noy. The sharing of personal experiences and lessons learned are rich sources of information and knowledge which OFWParaSaPamilya appreciates and encourages.
Isa pa ring pwedeng pag-aralan habang naghihintay na makasama sa asawa sa ibang bansa ay ang language nang bansang yon. Mayroon akong kaibigan na napunta sa Italy at hirap na hirap yung mga bata sapagka't walang naiintindihan sa paaralan.
Maraming salamat Mila, sa napakahalagang suggestion mong ito! And matuto ng language ng bansang pupuntahan ay isang bagay na kailangang gawin. Ito ay isa pa sa mga "cultural adjustment" na kailangang daanan ng mga OFW families, na napupunta sa mga "non-english speaking countries."
Totoong mas mahirap and adjustment kung hindi mo maintindihan and sinasabi ng mga tao sa paligiran mo at hindi rin ikaw maintindihan nila.
Doc Alianan,
Ang sinabi mo na masmadali mag adjust ang mga bata kung maliliit pa sila, paano po yung mga teenager? Worried lang ako kasi may teenager ako at para talagang galit siya pag sinasabihan kong baka makapunta na kami sa pinagtratrabahuhan ng aking asawa.
Isang Ina, here's the reply of Dr. Alianan:
--------------
Hello, Isang Ina.
Ang mga teenager ay nasa panahon ng kanilang buhay na ang pinakamahalaga para sa kanila ay ang mga kaibigan. Kailangan kasi nila matuklasan kung sino sila at kung ano ang kanilang magiging papel sa buhay. Sa pamamamagitan ng pakikipagkaibigan at paggugol ng panahon kasama ang mga ito, nakikilala nila ang sarili nila. Nasusubukan nila kung ano ba ang tamang asal at kung sinu-sino ba ang mga gusto nilang makasama. Nakadadama din sila ng masayang pakikipag-kapwa sa kanilang mga kabarkada.
Maraming dahilan kung bakit mistulang nagagalit ang iyong teenager kapag nababanggit mo ang paglipat sa ibang bansa. Ang ilang sa mga dahilan dito ay ang mga sumusunod:
• Hindi niya alam kung ano ang haharapin niya sa ibang bansa;
• Ayaw niya talagang umalis;
• Maaaring matagal na ito nababanggit ngunit walang katiyakan, kaya siya ay wala nang gana;
• Ang pagkawalay sa mga kaibigan at paglipat sa lugar na wala siyang kakilala;
• Kung siya ay malapit sa mga kapit-bahay o kamag-anak ninyo, malalayo din siya sa mga ito; at
• Kung siya ay may nobyo/nobya, ang pagkahiwalay sa isang taong malapit sa kanya.
Kailangan kayo mag-usap ng masinsinan kung ano ba ang ikinababahala ng iyong binata/dalaga. Tanonin mo siya at sabihin mong gusto mong mag-usap kayo ng malaya at tiyakin mo na hindi ka magagalit sa kung ano man ang ibubunyag niya na nasa isip at kalooban niya tungkol sa panginigbang-bansa ninyo. Kung hindi naman siya handa magsalita, hintayin mo lang. Bati-batiin mo lang muna sa umpisa na nais mo siyang makausap tungkol sa mga bagay na ito. Maaaring maselan ang paksang usapin na ito para sa kanya kaya suwabe lang dapat.
Ang ilang sa mga tanong na maaari mong ibunyag sa kanya ay ang mga sumusunod:
• Ano ang pakiramdam mo sa panginigbang-bansa natin?
• Ano ang inaasam-asam mo tungkol dito?
• Ano naman ang ikinababahala mo? May mga pangamba ka ba?
• Paano kita matutulungan para mapagaan ko ang loob mo tungkol sa pag-alis natin?
• May magagawa ka ba para mapagaan mo ang loob mo sa pag-alis natin?
Bilang magulang, hindi madali ang makipag-usap sa isang binatilyo/dalagita. Tandaan mo na lang na gusto nilang kinakausap sila na parang isa ring matanda. Iwasan mo ang pagsasaway at pangangaral dahil siguradong hindi niya magugustuhang ituloy ang pag-uusap kung naging ganito na ang tono ng usapan.
Good luck sa iyo, Isang Ina. Sana’y nakatulong ang mga naisulat ko sa iyo at sa anak mo.
Sumasaiyo,
Dr. Boboy
Ano ho ang kailangang kong malaman tungkol sa pagtrabaho sa isang bansang katulad ng Qatar? Ako ay naghahantay na matawag ng agency.
Connie, Here's the reply of Dr. Alianan
---------------------------
Nagagalak kaming malaman na naghahanda ka na para sa paglipad mo sa Qatar. Hindi biro ang mangibang bansa dahil isa itong malaking pagbabago sa lahat ng larangan ng iyong pamumuhay. Ang paghahanda ng maaga, di lang sa larangan ng mga praktikal na bagay kundi pati na rin sa mga pangkaloobang kahandaan, ay talagang mahalaga.
Sa pang-araw-araw na pangangailangan, kailangan mong malaman ang mga sumusunod tungkol sa lugar na iyong pupuntahan:
-Ang klima at pananamit na kailangan mo;
-Ang relihiyon, kultura at kaugalian ng mga tao doon;
-Kung ikaw ay Kristyano, saan o papaano ka magsisimba (dahil ang Qatar ay isang Muslim na bansa);
-Saan at anong paraan na magkaraoon ka ng mga kapwang Pilipinong kaibigan.
Sa paghahanda ng iyong kalooban sa darating na pag-a-adjust sa bagong lugar at kultura, ang mga sumusunod ay mahalaga:
-Gamit na makakatulong sa iyo na lumaban sa darating na kalungkutan (halimbawa, mga litratro ng mga minamahal sa buhay; liham galing sa iyong minamahal, rosaryo, atbp.); at
-Mga gawain na alam mong makakapagpalubag ng iyong loob kung ika'y nalulumbay (halimbawa, pagsususlat sa mga kaibigan, paglilibang, pagdarasal, atbp.);
Ang pagiging bukas sa iba't-ibang kaugalian at pamamaran ng pamumuhay ay isang mahalagang katangian ng Pilipino. Ito marahil ang dahilan kung bakit matagumpay ang marami sa ating kababayang nangingibang-bansa. Siguradong makakatulong ang ganitong katangian sa pakikipag-kapwa mo sa mga taong makikilala mo sa bago mong trabaho.
May mga bagay na maaari mong malaman sa internet, ngunit may mga bagay din na malalalaman mo lamang kapag ikaw ay nakarating na sa lugar na iyong paroroonan. Maganda siguro kung makahanap ka ng taong nakapagtrabaho na o nagtatrabaho ngayon sa Qatar. Sila ang higit na maka-aalam ng sitwasyon doon. Sa pakikipagkuwentuhan sa mga taong ito, marami ka ring matututunan.
Good luck sa iyo, Connie.
Hi Connie,
Abangan rin ang mga Agap Kamay Articles na magbibigay ng mga pabatid medical, legal, emotional atbp. na kailangan asikasuhin bago makaalis ang isang OFW. Gagawin namin ito parang mabigyan pansin ang maraming tawag sa amin na nagpalinaw ng mga problemang hinarap ng mga OFW at kanilang pamilyang hindi sapat ang paghahanda.
Post a Comment