Sunday, January 25, 2009

Love and the OFW

----------------------------------------------------------------------------------------------

Nagmamahal, OFW.
By Maria Andrea S. Tirazona
Associate Psychologist, PsychConsult, Inc.
Lecturer, De La Salle University, Manila

Hindi natin mapagkakaila na malungkot mawalay sa ating pamilya at mga minamahal. Bilang isang OFW, hindi lamang “culture shock”o pag-a-adjust sa bagong kultura ang kailangang harapin ngunit kalaban pa ang pakiramdam ng lungkot at pangungulila. Sa katunayan, maraming OFW ang nakakaranas ng mga sintomas ng depression, o kaya’t nagkakaroon ng kondisyon na ito, dahil sa dami ng pagbabagong pinagdadaanan nila. Buti nalang talagang malakas ang loob ng mga Pinoy at nahahanapan nila ng paraan para harapin ang mga pagsusubok na ito!

Isang mapanghahawakan ng mga Pinoy ang kanilang pagiging sociable o madaling makipagkaibigan. Bukod pa rito ang kakayanan ng mga Pilipino na makibagay sa mga taong nakakasalimuho niya. Kahit saan man macadam ang OFW, siguradong makakahanap siya ng kaibigan, kababayan man o hindi. Subalit, paminsan, itong pagiging palakaibigan ng mga Pinoy ay nagiging sanhi rin ng tinding lungkot, sakit at mas matinding pagsubok sa buhay.

Minsan kasi, dahil sa tindi ng pangungulila, hindi nila namamalayan na sila ay naghahanap ng magaaruga at kakalinga sa kanila. Dahil dito, may posibilidad na madaling mahulog ang loob doon sa isang taong nagpakita ng kagandahang loob at positibong atensyon sa kaniya, lalo ng sa mga single at medyo bata-batang OFW. Bukod dito, masasabing sa panahon ng maraming pagbabago na ito, ang isang tao ay nagiging higit na vulnerable o kaya’y tumitindi ang kanilang pagiging sensitibo at emosyonal. Ayon sa sikolohistang si Erik Erikson, ang mga young adult o ang mga taong bandang 20-35, ay humaharap sa developmental stage na tinatawag na Intimacy vs. Isolation. Sa bahaging ito ng buhay nila, higit na importante ang masagot ang tanong na “ako ba ay minamahal”?. Kung mapapansin natin, natataon dito sa mga edad na ito ang pagaasawa at pagsisimula ng pamilya. Ito ang nagiging pagtugon natin sa ating developmental needs sa buhay sa panahon na ito.

Bagama’t ang pagmamahal at paghahanap ng mamahalin ay isang normal na pangyayari sa lahat ng tao, ang pagwalay sa pamilya at pagalis sa ating tinatawag na “comfort zone” ay madalas nagpapatindi sa pangangailangang ito. Dahil dito, maaring lalong mapabilis ang paghulog ng loob ng isang tao sa iba habang naninirahan sa ibang bansa. Ayon sa mga social psychologists isang dahilan kung bakit tayo ay na-a-attract o napapaakit sa iba ay dahil sa tinatawag na proximity o propinquity. Dahil natutugunan nila ang pakiramdam ng pangungulila, tayo ay naaakit, o nabibighani. Bukod dito, sila ay malapit, madalas makasama at, ika nga sa Ingles, within your reach. Habang napapadalas ang pagkita ng dalawang tao, lumalaki ang posibilidad na magkahulugan ng loob ang mga ito. Subalit, minsan, masyadong mabilis mangyari ito, maging sa babae man o lalaking OFW. Ang problema dito, minsan hindi naman tunay na pagibig ang nabubuo, ngunit infatuation lamang. Ito ay marahil sa natutugunan lamang ng karelasyon ang pangangailangan ng pagkalinga at pakikisama.

Sa isang dako, isang dagdag na blessing ang makahanap ng mamahalin habang nanunungkulan bilang isang OFW sa ibang bansa. Bukod sa pagkakaroon ng kaagapay at karamay sa mga pinagdadaanan, sila ay maaring maging inspirasyon para mas lalong magsumikap para sa isang mas magandang kinabukasan. Higit pa rito ang kasiyahan na maibibigay ng partner na ito. Marami ang pinagpapala at nakakahanap ng asawa o partner sa buhay habang nasa ibang bansa, minsan foreigner pa ang napapangasawa.

Ngunit sa kabilang dako, habang maraming nakakaswerte sa pagibig, meron din mga nasasawi sa pagibig at ito ay maaring maging isang matinding pasakit sa nakakaranas nito. Oo, totoong sugal ang pagibig at walang garantiya dito, pero ang mga napapaibig ng masyadong mabilis ay mas mataas ang risk na hindi ito magtatagal. May mga pagkakataon na ang isang OFW ay mabilis mapaibig sa isang foreigner dahil sa kanilang taglay na karisma at kakayanang magbigay ng maraming magagandang bagay at oportunidad na hindi pa nila nararanasan dati. Lalo tuloy tumitindi ang kanilang pagiging kaakit-akit. Maari din na dahil sa pananabik sa mga bagay na pamilyar o kilala na, sa kapwa OFW mapaibig. Ika nga, “it takes one to know one“. Dahil pareho ang lenguahe, kaugalian, tradisyon at kultura, may mga kapwa OFW na nabubuo ang pag-ibig habang nagtratrabaho sa ibang bansa.

Subalit minsan, hindi nila alam ang tunay na pagkatao ng kanilang dinedeyt…minsan may lihim pala silang tinatago, gaya ng asawa. Hindi nila nalalaman hanggang huli na na sila pala ay nagiging kabit o mistress. May mga pagkakataon naman din na kahit nalalaman na may asawa’t mga anak na naiwan sa Pilipinas, dahil sa matinding kalungkutan, naiisip nalang na ipagpatuloy ang relasyon para mapawi ang nararamdaman.

Dagdag pa sa maaring maging sanhi ng pagkawasak ng isang pamilya ang pagkakaroon ng relationship, maging sa dayuhan o kappa OFW, hindi maipagkakaila na karugtong ng isang pagiibigan ang physical intimacy na karaniwang nauuwi sa isang sekswal na relasyon. Habang ito ay bahagi talaga ng isang relasyon, minsan dito nagsisimula ang mas malaking problemang pagdadaanan ng mga OFW, babae man o lalaki. May mga insidente na nabuntis ang isang OFW habang nasa abroad, tapos hindi ito napananagutan ng ama ng bata. Maari rin na dahil sa pangyayaring ito, hindi na masustentohan ng isang OFW ang pamilya na nasa Pilipinas. Tuloy, ang magandang oportunidad nung una ay nagkaroon ng konting bahid at nagbunga ng problema.

Paano ba maiiwasan ito? Siguro una, dapat maging mapagingat tayo. Iwasan natin ang masyadong mabilis na pagbuo ng mga relasyon. Kilalanin muna ng sapat ang mga potensyal na kasintahan at siguruhing pagmamahalan nga ang nararamdaman at hindi infatuation lang. Pangalawa, magiging mahalaga rin ang paghahanap ng mga pwedeng barkadahin habang nasa ibang bansa. Magplano kayo ng mga lakad o gimik para malibang at mabawasan ang lungkot. Pwede ring i-explore ang kapaligiran mo diyan. Pumunta ka sa mga pasyalan o tourist spots na malapit o kaya’y magsadya sa public library. Hindi ka lang malilibang, may matututunan ka pa. Sa kabuouan, siguro magtatapos ako sa paalala na i-enjoy niyo ng lubusan ang panahon na ito sa buhay mo, pero wag padalos-dalos sa pagdisisyon.
---------------

What do you think of "Love and the OFW"? Click on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------

Saturday, January 24, 2009

Preparing to Live the New Year Fully!

A New Year, a new chance to review and plan...whoever we are, whatever we do in life.
------------------------------------------------------------------------------------------------

New Preparations for the Year
Business Matters (Beyond the Bottom Line)
By Francis J. Kong
The Philippine Star, January 10, 2009

We’re into the second week of the New Year. It’s not too late to do some new preparations. After the long holiday breaks, it takes quite a while to recover.

I bet you most of the ministers and preachers in church talked about New Year Stuff last Sunday. Were you really paying attention? What about you and me?

I kept this material from an unknown source for years. It helped me through and now I want to share it with you. Well, I’ve divided our brand new year preparation into three parts. Three parts full of questions that would lead us to self-evaluation and self-preparation. So hold on to your seats as I go through the list real fast:

Part I: Review and learn from the past

1. What was my greatest blessing last year? What excited and stretched me? What am I most grateful for?

2. What was my greatest achievement? What accomplishment really paid off? What am I proudest of from last year?

3. What were my three most important mistakes? Where did I go wrong? Who did I offend? Where did I miscalculate? Most importantly, what can I learn from these experiences?

4. What lessons do I most want to take with me into this year? How have I grown last year? How am I wiser, more skilled, more mature, and more productive?

5. How would my spouse, my best friend and my mentor look at these things? What would they say about last year? How would they evaluate my successes, my mistakes and the things I’ve learned?

Part II: Preparing to advance

1. How will I enrich my life and my family this year? How can I make my relationships richer, more fun, more intimate and more loving?

2. What would I like to add, change or eliminate in my daily routine this year? What tolerations must go? What joys and ordinary pleasures will I add to my schedule, starting today?

3. What financial goals do I have for 2009? How many people would I like to serve? What services can I add, or should I cancel? How can I save more and invest better?

4. What will I do to maintain my health? What am I committed to for fitness, for vitality and wellness?

5. Intellectually, how will I improve this year? What will I read, what do I need to study, what skills do I need to master this year?

Part III: Dream big dreams!

1. Where am I going in the next two, five or 10 years? What will I achieve?

2. What are my major values and purposes for the next phase of my life? What brings me the most fulfillment and gratification? How can I use my greatest talents to benefit myself and thousands of others in the years ahead?

3. If I could do only one BIG project in my lifetime, what would it be? What is the most important thing for me to do or achieve or become in the next 10 years?

I’m sure many of you will have your own version of this list, but these questions help me focus my thoughts and form goals and projects that are meaningful. They give my wife and me some food for thought and topics for wonderful conversations! (And, yes, a few budget disagreements and “forceful” comments, too.)

The New Year is a gift from God meant for us to live to the full.

Choose wisely. Think long and hard. Seek the counsel of people who know and love you, and plan your future in precise detail. Then, go out and seize the day!
-------------------

What do you think of this topic? Do you have any other ideas on how to prepare and live the New Year fully? Simply click on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
------------------
 
Web Design by WebToGo Philippines