Tuesday, August 26, 2008

Kalungkutan (Loneliness)

by: Herman L. Sanchez, M.D.
Psychiatrist

Mataas ang insidente ng kalungkutan sa pamilya ng mga OFWs.

Umaalis ang isang manggagawa, dala ang lakas ng loob upang maiangat ang buhay ng kanyang pamilya.

Malaki ang inaasahan. Mataas ang mithiin. Marami ang umaasa.

Ang Kalungkutan ay mabigat na karamdaman. Kapag nadapuan ang isang tao ng kalungkutan, kadalasan ay tinatanggap at tinitiis ito. Normal daw makadama ng lungkot. Bahagi ito sa pag-ikot ng gulong ng buhay. Sanay ang Pinoy sa hirap. Matiyaga. Matiisin. “Lilipas din yon”, ang sagot nila. Makakaraos.

Matinding hirap ang dinaranas ng taong nababalutan ng kalungkutan. Mahalaga na maintindihan na pwede itong maiwasan at maaaring malunasan.

Maraming pagbabago na kapansin-pansin sa taong may kalungkutan. Madalas ay naapektuhan ang kilos, trabaho at pakikitungo sa mga kasama. Dapat ay maging mulat tayo sa mga ito. Sa ibaba ang listahan ng mga kadalasan na natatagpuan sa taong may kalungkutan :

1. Una sa lahat ay ang pagiging matamlay.
2. Nababawasan ang gana at interes sa masasayang gawain
3. Mas pinipiling mag-isa
4. Nababawasan ang gana sa pagkain o lumalakas ang pagkain
5. Namamayat o bumibigat ang timbang
6. Nanghihina o laging pagod
7. Problema sa pagtulog
8. Maraming sumasakit sa katawan na di maintindihan
9. Nawawalan ng saysay ang buhay at nawawalan ng pag-asa
10. Nahihirapang mag-isip. Pumupurol ang isip. Di makapagisip ng mabuti
11. Pagiging negatibo. Naiisip magpakamatay o nagbabalak ng masama sa sarili

Malaking tulong ang pagiging mulat at tapat sa problemang ito. Ito ay personal at ang maagang paggamot nito ang kailangan.

Iniimbitahan naming kayo na magtanong o magsalaysay ng iyong sariling mga karanasan.
_______
Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Stay in touch!

Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.
_______

10 comments:

a dependent spouse said...

Doc,
Ako ay isang OFW na malayo sa mga minamahal ko sa buhay. Isang buwan pa lang akong umalis sa Pinas, nguni't matinding kalungkutan na ang nararamdaman ko. Paano ko maiwasan ito? Ano ang gagawin ko?

ofwparasapamilya said...

Here is the reply from Dr. Sanchez:

Pinas,
Natural lamang makaramdam ng kalungkutan kapag malayo sa mga mahal sa buhay.

Mahalaga na manatili ang "focus" sa trabaho. Laging isaisip ang "goal" o pakay sa pagpunta sa ibang bansa--para gumanda ang buhay ng pamilya.

Siguraduhin na patuloy ang komunikasyon. Maaring tumawag sa telepono, magtext, mag-email, mag-Skype o mag-Yahoo messenger. Kung pwede, subukang makauwi sa Pilipinas taon-taon.

Para sa mga baguhan, makisama sa ibang OFW. Maging bukas ang isip para matuto o makapag-aral pa. Panatiliin ang kalusugan ng katawan. Magehersisyo, kumain ng tama at mag-pahinga ng wasto.

Hindi kailangang maging permanente ang pagiging OFW. Ngunit ito ay malaking hakbang para sa kaunlaran.

Salamat sa inyong tanong.
Herman L. Sanchez, M.D.
Psychiatry

a dependent spouse said...

salamat po, doc.

a dependent spouse said...
This comment has been removed by the author.
a dependent spouse said...

Iba naman ang problema naming mga tnt. Para sa amin hindi namin masasabi kung kailan kami makakauwi. Hindi makapag bakasyon. Mayroon akong maga kakilala na mag 10 years na na hindi pa nakakauwi. At nandiyan rin ang takot na mahuli!

Unknown said...

Talagang ganyan pag sa una,mahirap talaga,kasi ganyan din naranasan ko.Pero masasanay ka rin,tama si Doc.sundin mo lang ang payo nya,dahil para yan sa pamilya mo di ba?Basta huwag mo lang kalimutan na laging tumawag kay LORD.

Dr.Sanchez said...

Candid,
Napakahirap talaga mabuhay na TNT o illegal sa isang bansa. Walang mga "benefits". Walang mga "privileges". Hirap din matulungan ng mga government agencies.Tama ka. Mahirap ang malayo sa mga mahal sa buhay. Bigyan ng takdang panahon para muling makapiling ang pamilya. Subukang ayusin ang status.

Loyola,
Salamat sa iyong suporta sa ating mga OFWs. Patuloy ang pag-alis ng mga bagong OFW. Malaki ang tulong ng ating pananampalataya sa diyos.

Dr.Sanchez

Global 'Noy said...

Candid,
I think it is most important to fix your status, as Dr. Sanchez said. Having lived in the US legally for more than 20 years, I know that the government offers amnesty programs from time to time for "tnt" residents from all over the world. Try to avail of these programs; see if you will qualify for the next one that is offered in your country of residence. Most advanced countries need immigrant employees so they try to legalize those who are already there and who have shown themselves to be responsible and law-abiding residents.
Good luck in all your efforts to fix your status!

a dependent spouse said...

Siguro may mga ibang bansang na nag bibigay ng amnesty sa mga TNT. Nguni't hindi ganito ang nangyayari dito sa bansang ito. Dito mayroon pang mga raid na ginagawa ang immigration at yung mga nahuhuli ay deported. May mga nakakaayos ng status nila kapag nakakapagasawa ng taga rito.

Dr.Sanchez said...

Candid,
Ang pag-aasawa ay isang paraan para maging legal at manatili sa bansa kung saan nagtratrabaho. Ito ay personal na desisyon. Sana ay maayos mo ang status mo.

 
Web Design by WebToGo Philippines